Tanghal-Identidad: Diskurso-Analisis sa mga Imahen at Wika ng Dihital na Pagtatanghal ng Sarili sa Grindr
Keywords:
Grindr, Imahen, LGBTQ+, MCDA, at WikaAbstract
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin kung paano ginagamit ng mga Pilipinong kalalakihan sa LGBTQ+ ang wika, simbolo, at biswal na pagtatanghal sa Grindr upang buuin at palakasin ang kanilang sekswal, pangkasarian, at kultural na identidad. Nakatuon ito sa limampung (50) aktibong gumagamit sa Kalakhang Maynila at ginamitan ng Multimodal Critical Discourse Analysis o MCDA, purposive sampling, at longitudinal observation upang matukoy ang mga padron sa self-presentation batay sa bio, larawan, emojis, at iba pang multimodal na anyo. Lumabas na ang bio ay nagsisilbing entablado ng pagpapahayag ng sarili. Natukoy ang anim na estratehiya sa wika: euphemism, direktang pagbanggit ng sexual role, pagpapakita ng maskulinidad o femininity, modalidad at direktiba, emosyonal na pagbubukas, at pag-iwas. Sa biswal na dimensyon, tampok ang gym o topless photos, mga props, fragmented images, default icons, at emojis bilang pagpapalawig ng kahulugan. Ipinakikita ng pag-aaral na ang Grindr ay espasyo ng ahensiya at pakikibaka bilang larangan ng gahum at kontra-gahum sa paghubog ng queer na identidad sa Pilipinas.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 Philippine Journal of Media and Information Literacy

This work is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.