Netnograpiya: Ang Ugnayan ng Wika at Onlayn na Merkado Gamit ang Live Selling sa Facebook

Authors

  • Dr. Lindsay Maglalang Polytechnic University of the Philippines (Ph.D. Filipino)

Keywords:

digital na pamilihan, diskurso, live selling, netnograpiya at sosyolingguwistika

Abstract

Sinusuri ng pag-aaral na ito ang papel ng wika sa live selling sa Facebook bilang daluyan ng komunikasyon, panghihikayat, pagbuo ng kapangyarihan, at pakikipagkapuwa sa digital na pamilihan. Gumamit ito ng kwalitatibong passive netnography, Foucauldian discourse analysis, at thematic analysis. Binubuo ang datos ng 43 live-selling video ng walong online seller sa Antipolo na naobserbahan mula Hulyo hanggang Agosto 2025, gayundin ng tig-30 minutong key-informant interview sa bawat kalahok. Ipinakita ng pagsusuri na ginagamit ng mga seller ang Tagalog, Ingles, Taglish, at mga wikang panrehiyon upang iangkop ang komunikasyon sa kanilang audience. Kabilang sa estratehiyang diskursibo ang pag-uulit, honorifics, salitang balbal, storytelling, emotive expressions, promosyon, freebies, brand names, at direktibong pahayag upang makuha ang atensiyon at mahikayat ang mamimili. Samantala, ang mga panuntunang “first comment basis” at “mine + code,” gayundin ang diskurso ng gantimpala at parusa, ay nagsisilbing mekanismo ng kaayusan at awtoridad. Ipinakikita rin ng pag-aaral na mahalaga ang kritikal na pagbasa sa wika, kredibilidad, at estratehiyang mapanghikayat sa live selling. Kaugnay nito, may implikasyon ang pag-aaral sa Media and Information Literacy sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga mamimili na kumilatis ng impormasyon, makilala ang mapanghikayat na diskurso, at gumawa ng responsableng desisyon sa digital na pamilihan.

Downloads

Published

2026-11-07